
Ipinahayag ng kampo ng mga Discaya na babalikan nila ang kanilang mga car dealer kung sakaling ang walong luxury cars nila ay napatunayang walang kaukulang dokumento.
Tugon ito ni Atty. Cornelio Samaniego III sa report ng Bureau of Customs (BOC) na walo sa luxury vehicles ng mga Discaya ay walang import entry records at walang certificate of payments.
Ayon kay Atty. Samaniego III, naisumite na sa BOC ang mga dokumento ng 28 na sasakyan na nakuha sa St. Gerrard Building matapos ang naging pagbisita ng ahensya noong Setyembre 2 at 4.
12 na sasakyang ang narekober sa lugar at sinundan ng 16 pa na boluntaryong sinurender ng mga Discaya.
Samantala, dalawa pang dagdag na mga sasakyan ang nakuha ng BOC kung saan aabot na 30 luxury cars ang nasa kustodiya ng ahensya









