Mag-asawang Discaya, maaring maharap sa plunder at hindi rin kwalipikadong maging state witnesses

Maaari umanong maharap ang mag-asawang Pacifico “Curlee” Discaya II at Sarah Discaya sa kasong plunder, na isang non-bailable offense at may parusang habambuhay na pagkakakulong.

Sinabi ito nina Representatives Gerville Luistro ng Batangas at Terry Ridon ng Bicol Saro Party-list at Co-chairman din ng House Infrastructure Committee.

Ayon kay Luistro, sa kanilang sinumpaang salaysay ay mistulang inamin ng mag-asawang Discaya ang kanilang pandarambong nang ilahad nila kung paano dumaloy ang pondo sa mga iregular na proyekto na nakuha nila sa gobyerno.

Bukod sa swak sa kasong plunder ay sinabi rin ni Rep. Ridon na hindi rin kuwalipikado at hindi karapat-dapat maging state witness sina Curlee at Sarah dahil sila ang sentro ng mga maanomalyang flood control projects.

Kaya naman giit ni Ridon, imbes na isama ang mga Discaya sa Witness Protection Program ng Department of Justice (DOJ), ay mas dapat silang kasuhan ng plunder o kaya’y corruption of public officials.

Facebook Comments