
Muling humarap sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa ikatlong pagkakataon ang mag-asawang Curlee at Sara Discaya.
Unang dumating sa tanggapan ng ICI si Ginoong Discaya at sinundanan naman ito ni Ginang Discaya.
Si Ginang Discaya ay idinaan sa likod ng gusali ng ICI habang ang kanyang mister ay sa harapan ng gusali pumasok.
Una rito, humingi ngpitong araw na hininging palugit ang mag-asawang Discaya para maretrieve nito ang ilang dokumento na kanilang isusumite sa Komisyon.
Hindi naman nakarating ngayon sa pagdinig si dating Public Works Undersec. Roberto Bernardo dahil sa mag karamdaman ito.
Samantal, muling naglabas ng listahan ng ICI ng 19 na indibidwal na pinasasailalim nito sa ILBO o Immigration Lookout Bulletin Order.
Kabilang sa ILBO sina dating Cong. Mitch Cajayon-Uy at Arturo Atayde.









