Mag-asawang Discaya, tatayong resource person sa hearing ng anomalya sa flood control project ng ICI ngayong araw

Humarap ngayong araw sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

Sa ibinigay na detalye ng ICI, tatayo umanong resource person ang mag-asawang Discaya para sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Pasado alas-9:00 nang dumating sa opisina ng ICI sa Taguig si Sarah Discaya, at sumunod naman ang kanyang asawa na si Curlee Discaya na nakasuot ng bulletproof vest dakong alas-9:30 kanina.

Nasa closed-door meeting na ang mag-asawa kasama ang mga officer ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) para sa pagpapatuloy ng pagdinig.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na dumalo at nagtungo ang dalawa sa imbestigasyon ng ICI.

Samantala, lumagda naman ng Memorandum of Agreement (MOA) sa gitna ng imbestigasyon sa flood control scandal ang ICI at Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Deklarasyon umano ang hakbang na ito ng kanilang layunin na labanan ang korapsyon at protektahan ang taumbayan.

Facebook Comments