Mag-Asawang HAZEL ABENDANTE-BRAZAL at MELQUIADES BRAZAL, Arestado sa Pagbebenta ng FAKE Land Titles, Kasabwat na si MARIAN ABIGAEL NUÑEZ, Wanted ng NBI

Arestado sa kasong Violation of Article 172 or Falsification by Private Individual and Use of Falsified Documents ang isang babaeng kinilalang si Hazel Abentdante-Brazal, edad 38, may asawa at nakatira sa Blk 5 Lot 35, Villa Obiedo Subdivision sa Barangay Cararayan, Naga City.
Ayon sa police report, inaresto si Mrs. Abendante-Brazal nitong nakaraang November 13, 2017 ganap na alas 10 ng umaga sa pamamahay nito sa San Rafael, Cararayan sa bisa ng Warrant Of Arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Nonna Oliva-Beltran docketed under Criminal Case Number 130912. Ang kaso ay may piyansang Php 12,000.
Samantala, inihayag naman ni Special Investigator Bong Intia ng National Bureau of Investigation sa panayam ng RMN DWNX na patong-patong na mga kaso ang kinakaharap ng mag-asawang MELQUIADES BRAZAL at HAZEL ABENDANTE-BRAZAL kabilang na ang kasabwat nilang si MARIAN ABEGAIL NUÑEZ na patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya. May bali-balitang nakalabas na umano ito ng Pilipinas.
Nang tanungin ng kanilang modus, sinabi ni Intia na kalimitan sa mga biktima ay mga malalapit na kakilala o kaibigan ng mga suspect. Maraming mga personality ang kanilang nabiktima kabilang na ang mga malalaking negosyante sa Camarines Sur. May nabiktima rin sila sa judiciary, dagdag pa ni Intia. Napag-alamang isang JUDGE din sa CamSur ang naloko ng mga ito. Nag-o-offer o nagbebenta ang mga suspect ng mga titulo ng mga lupa pero nadiskubre ng mga nakabili na peke ang nasabing mga titulo at naloko lamang sila.

Facebook Comments