Binigyan ng practical tip ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang publiko kaugnay sa pagbabakuna kontra COVID-19, matapos silang maging fully vaccinated o nakakumpleto na ng gamot.
Sa Instagram account ng mag-asawa, ipinakita nito ang mga larawan habang tumatanggap sila ng kanilang second doses.
Isang lesson naman ang natanggap ni Ryan dahil hindi siya nagsuot ng damit na may maluwang na manggas bagkus ay isang polo ang kaniyang suot.
Dahil dito, napilitan aniya itong hubarin ang kaliwang parte ng kaniyang damit upang maturukan.
Kinagiliwan naman ito ng mga netizens kaya nahihiyang ipinayo na lamang ng mag-asawa na ‘huwag magpolong mahigpit para bakuna’y di sumabit’.
Ang mag-asawang Ryan at Judy Ann ay kabilang sa A4 category kung saan kasama ang media and entertainment industry, delivery service riders, self-employed, at iba pang manggagawang kailangang lumabas ng bahay upang magtrabaho.
Maliban sa kanila, una na ring tumanggap ng second dose ng bakuna ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera maging sina Sharon Cuneta at Pokwang.