Mag-asawang lokal na opisyal, kinalampag ni PBBM na maging konsensya ng bayan at ilantad ang katiwalian

Kinalampag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga local government officials na maging boses ng katotohanan at konsensiya ng taumbayan laban sa katiwalian, at kuwestiyonableng proyekto ng pamahalaan.

Sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng League of Provinces of the Philippines (LPP), binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang papel ng lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at pagwawaksi ng mga maling nakasanayan.

Ayon sa pangulo, nagsisimula pa lamang ang gobyerno sa laban para sa malinis at epektibong pamamahala, at mahaba pa ang tatahakin.

Kaya naman hinimok niya ang mga opisyal na mas maging masigasig sa pagsusuri ng mga proyekto, lalo na iyong tila nakabalot sa kadiliman at kwestiyonableng interes.

Dagdag pa ni PBBM, tungkulin ng bawat lokal na opisyal na tiyaking wasto ang implementasyon ng mga proyekto dahil ang pera ng taumbayan ay para sa bayan at hindi para sa pansariling interes.

Facebook Comments