Matapos ang hagupit ng Bagyong Emong, naabutan ng IFM News Dagupan ang mag-asawang Palos sa Brgy. Anapao, abala sa pagsalba ng mga natirang tanim sa kanilang binahang palayan.
Nalubog sa baha ang kanilang 1.5 ektaryang taniman ng palay, at wasak rin ang kanilang tahanan.
Umaasa ang mag-asawa na kahit kaunting ani ay maibenta upang mabawi ang bahagi ng kanilang puhunan.
Ayon sa paunang ulat ng Department of Agriculture (DA), umabot na sa ₱1.12 bilyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng bagyong Crising, Dante, Emong, at Habagat.
Patuloy pa ang validation habang nagpapatuloy ang masamang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









