
Personal na binisita ni Mayor Maan Teodoro, kasama si Cong. Marcy Teodoro, ang mga apektadong lugar sa Marikina dahil sa epekto ng Bagyong Crising, Dante, Emong, at habagat.
Ito ay para kumustahin ang kalagayan ng mga residente at maipaabot ang tulong mula sa pamahalaang lungsod.
Tiniyak naman ng mag-asawang Teodoro na agad maisaayos ang mga komunidad na naapektuhan ng sama ng panahon para sa kaligtasan ng lahat.
Samantala, patuloy pa ring binabantayan ng Marikina local government unit (LGU) ang Marikina River.
Sa huling datos ng Marikina LGU, nasa 14.2 meters ang water level ng Marikina river o nasa normal level pa.
Facebook Comments









