Mag-asawang Miyembro ng NPA sa Cagayan, Timbog!

Cagayan – Timbog kahapon sa kamay ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Region 02 ang mag-asawa at high value target na miyembro ng New People’s Army o NPA sa Sitio Nagtapulan, Brgy. Naguillan, Camiguin Island, Calayan, Cagayan.

Sa paunang impormasyon na nakalap ng RMN Cauayan, arestado si Edison Culasing Erese o a.k.a Jingjing/Ronnel/Elmer, kasalukuyang staff member ng Regional Operational Command, Military Staff-Cagayan Valley; at ang asawa nito na si Divina Manuel Erese, dating Medical Officer ng Danilo Ben Command Front ng Cagayan.

Ang pagkakaaresto sa dalawang NPA ay sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng pinagsanib pwersa ng CIDG Cagayan, CIDG Regional Special Operations Team, Marine Batallion Landing Team at Calayan Police Station.


Mahaharap sa mga kasong Illegal Possession of Explosives, Qualified Assualt with Attempted Murder, Arson at iba pa laban sa mag-asawa.

Iniharap narin sa media ang dalawang miyembro ng NPA sa ginanap na press conference kaninang umaga sa tanggapan ng Police Regional Office 02 sa pangunguna ni Police Regional Director Chief Superintendent Jose Mario Espino.

Samantala nakakulong na sa CIDG detention cell sina Edison at Divina Erese at maaring dalhin ang mga ito sa BJMP Tuguegarao City, Cagayan at  sinasabing ito na ang pinakamalaking accomplishment ng CIDG Region 02 ngayong taon.

Facebook Comments