Mag asawang nagbabakasyon hinaras ng mga magnanakaw sa Parang Maguindanao

Masaklap ang sinapit ng mag asawa na nagbabakasyon lamang sa kanilang kaanak sa sitio Kuba barangay Manion sa bayan ng Parang sa lalawigan ng Maguindanao matapos silang pagnakawan at iharass ng hindi pa kilalang mga suspect noong hatinggabi ng Dec 23. Ang mag anak ay mga residente na Malapatan Saranggani province. Ayon kay Police Chief Insp. Erwin Tabora , hepe ng Parang Pnp dalawang mga armadong lalaki ang pumasok sa tinitirhan nilang bahay at habang natutulog ang mga biktima kasama ang kanilang 7 buwang gulang na anak ay tinutukan sila ng baril ng mga suspek.
Sa pahayag pa ni Tabora, dinala pa ang babae sa kabilang silid at pinagsamantalahan ng isa sa mga suspek.
Dala ng mga suspek sa kanilang pagtakas ang pera, cellphone, at alahas ng mga biktima. Patuloy ngayon ang ginagawang pagtugis ng Pnp sa dalawang mga suspect.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments