Mag-asawang napatay sa pananambang sa Tondo Maynila, nakilala na

466

Manila, Philippines – Nakilala na ang mag-asawang napataysa pananambang ng riding in tandem sa road 10, Tondo, Maynila.
  Ayon kay Manila Police District Homicide Chief Sr. Insp. FernildoDe Castro – ang mga biktima ay sina Lt. Senior Grade Archie Hicban, 34 anyos,station commander ng coast guard sa Albay at tumatayong operations officer ng CoastGuard-Bicol District at ang misis nitong si April Hicban na empleyada sa isangkumpanya.
  Sa ngayon ay iniimbestigahan na ang lahat ng anggulo sakrimen at naghahanap na rin ng CCTV footage ang mga otoridad.
  Sakay ng puting pick-up ang mag-asawa at nang tumigil samay kanto ng capulong at road 10 sa Tondo ay saka tumapat ang riding in tandemna sunud-sunod na namaril sa mga biktima.
  Labing apat na basyo ng caliber 9mm ang narekober sacrime scene.
  Mahigpit namang kinundena ng pamunuan ng Philippine CoastGuard ang naturang pananambang kasabay ang paghingi ng katarungan.
  Nasa maynila lamang si hicban para sa schooling sapcg-education and training command para ma-promote na Lt. Commander.

Facebook Comments