Mag-asawang Negosyante, Hinoldap sa Kasagsagan ng Bagyo

75

Sinisiyasat ngayon ng PNP Cabatuan, Isabela ang naganap na pangho hold up ng apat na armadong kalalakihan ang mag asawang negosyante sa Brgy. Luzon Cabatuan Isabela na sina Mr. & Mrs Charlie Juan.

Ayon sa PNP Cabatuan, dakong alas dyes ng gabi noong Setyembre 14, 2018 na kasagsagan ng Bagyong Ompong at habang nanonood ng TV ang mag asawa sa kanilang kwarto sa pangalawang palapag ng kanilang bahay nang pumasok ang mga suspek.

Tinutukan sila ng baril at inatasang ilabas ang kanilang pera. Itinali pa ang mag asawa gamit ang masking tape at linimas ang kanilang pera nagkakahalaga ng P 200,000, 00, cellphones, lap top, alahas at kalahating balde ng coins sa ibat ibang denominasyon.

Agad namang tumugon ang mga pulis subalit wala na umano ang mga suspect dahil maging ang kanilang cp ay tinangay ng mga holdaper, hindi agad naitawag ang nasabing pangyayari.

Facebook Comments