Mag-asawang Pinoy senior citizen na stranded sa airport sa Dubai, tinutulungan na rin ng Philippine Consulate

PHOTO: Christopher Pike

Inaalalayan na rin ng Philippine Consulate sa Dubai, UAE ang mag-asawang Pilipinong senior citizen na stranded sa Dubai International Airport.

Ito ay matapos na masuspinde ang maraming flights dahil sa malawakang pagbaha sa UAE at iba pang mga karatig na bansa sa Middle East.

Nakipag-ugnayan din ang Konsulada ng Pilipinas sa mga tauhan ng airline para sa pangangailangan ng mag-asawang Pinoy at sa rebooking ng ticket ng mga ito.


Pinapayuhan din ng Philippine Consulate ang iba pang mga stranded na Pinoy sa UAE na makipag-ugnayan sa kanilang airline.

Facebook Comments