Mag-asawang rider, sugatan matapos makaladkad ng isang kotse sa lungsod ng Maynila

172

Sugatan ang mag-asawa na sakay ng motorsiklo matapos mabangga ng isang kotse sa kahabaan ng España Boulevard sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa imbestigasyon, galing sa Tondo ang mga biktima at papunta na sana sa Antipolo street nang mabangga at makaladkad pa ng isang puting kotse na may plate number na AAA-7622 na minamaneho ni Jeferrson Avena Cartion.


Nabatid na miyembro ng grupo ng mga motorcycle riders ang mag-asawa kung saan agad na rumesponde ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kaya’t mabilis na nasugod sa pinakamalapit na ospital ang mag-asawa habang kinilala ang lalaki na si Emilson Faguio.

Kwento ng mga kasamang rider ng mag-asawa, nasa tamang direksyon si Faguio nang bigla silang magulat nang banggain at makaladkad ito ng kotse.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na nakatulog ang driver na si Jeferrson nang mangyari ang insidente kung saan kasalukuyan na siyang hawak ng mga otoridad.

Facebook Comments