Mag-asawang Sunshine Dizon at Timothy Tan, binasag na ang katahimikan tungkol sa akusasyon ng dating kasambahay

Binasag na ng mag-asawang Sunshine Dizon at Timothy Tan ang kanilang pananahimik tungkol sa akusasyon sa kanila ng dating kasambahay.

Inireklamo kasi ang mag-asawa ng kasambahay na nagpakilalang si Anabel Agullo sa isang programa sa radyo tungkol sa pagtanggal sa kanya sa trabaho, hindi pagpapagamot sa kanya at hindi pagbabayad ng kanyang social benefits.

Pero depensa ni Timothy, hindi na makontak si Anabel sa makaraang mag-day-off siya noong March 2.


Bagaman at nagkasakit daw ang yaya ng kanilang anak pero hindi na daw sila nito inform.

Nilinaw din ni Timothy na nagkasundo sila na bayaran every quarter ang SSS at PhilHealth ng yaya pero hindi daw nilakad iyon ni Anabel.

Bukas naman daw si Timothy na ibigay ang mga gamit ng kasambahay basta bayaran nito ang kanyang pagkakautang.

Sa bandang huli nagkasundo ang panig sa barangay.

Sa isang pahayag naman sinabi ni Sunshine na naplantsa na ang lahat at wish nito makita siyang maayos.

Facebook Comments