Mag-asawang taga Quezon City na may travel history sa China isinailalim sa ‘14-days Quarantine’

Quezon City – Pansamantalang sumasailalim sa 14-na araw na self-quarantine ang mag-asawang taga Quezon City at kagagaling lamang ng China.

Pero agad nilinaw ni Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office chief Mike Marasigan na ito ay bilang bahagi lamang ng protocol pinaiiral ng Department of Health (DOH).

Una nang nagpa-check up sa isang hospital ang mag-asawa pero hindi dahil sa lagnat, ubo o sipon kundi dahil lamang sa nararamdamang ‘back pain’.


Sabi ni Marasigan, dahil sa ‘travel history’ ng mag-asawa kaya at ang unang rekomendasyon ng DOH ay dalhin sila sa San Lazaro Hospital at isasama sa listahan ng Persons Under Investigation.

Paliwanag ng QCDRRMO, walang dapat ipangamba ang mga taga Quezon City dahil walang napapaulat na kaso ng corona virus sa lungsod habang kasado na ang kanilang contingency measures para labanan ang pandaigdigang banta ng deadly corona virus.

Facebook Comments