Mag-asawang Tiamzon, hinatulan ng 40 taong pagkakakulong dahil sa 1988 kidnapping

Ibinaba ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang hatol laban kina Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) members na sina Benito Tiamzon at kanyang asawa na si Wilma.

Ito ay may kaugnayan sa serious illegal detention dahil sa pagdukot sa apat na sundalo sa Quezon Province noong 1988 na kinabibilangan nina dating Army Lieutenant Abraham Claro Casis, Lt. Clarito Santos, Oscar Singson, at Rommel Salamanca.

Sa 19-page decision, nakita ni Quezon City RTC Branch 216 Judge Alfonso Ruiz II na ‘guilty beyond reasonable doubt’ ang mag-asawang Tiamzon.


Sinentensiyahan ang dalawa ng 40 taong pagkakakulong.

Ipinag-utos din ng korte sa mag-asawang Tiamzon na bayaran ang complainant na si Casis ng nasa ₱225,000 na moral, civil at exemplary damages.

Ayon kay Judge Ruiz, wala siyang nakikitang dahilan para hindi paniwalaan ang testimoniya ng complainant dahil ‘straightforward’ at ‘categorical’ ang mga pagkakabanggit ng mga facts.

Malinaw sa mga ebidensya na nagkaroon ng kidnapping at pagkulong kay Casis at sa iba pa.

Kinumpirma rin ni Casis na ang mag-asawang Tiamzon ay top rank officials ng CPP-NPA.

Facebook Comments