Mag asawang tulak ng droga arestado sa Pikit North Cotabato

Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang mag asawa na tulak ng droga sa ikinasang drug buy bust operation sa Purok Daisy, Barangay Poblacion sa bayan ng Pikit North Cotabato kagabi.. Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA 12,Pikit MPS,RPSB 12 at 2ND MANCOY ng Philippine Army. Kinilala ang mga naaresto na sina Haron Gesulga at Pinky Solaiman.
Ayon sa Pikit PNP nangungupahan lamang ang mga suspek sa nasabing lugar dahil una na silang ni-raid ng mga otoridad sa bayan ng Kabacan sa kaparehong kaso.
Ang dalawang suspek ang sinasabing supplier ng droga sa bayan ng Pikit at karatig bayan sa North Cotabato. Nakuha sa pag-iingat ng dalawa ang walong pakete ng Shabu , 500 pesos marked money at mga drug paraphernalia.(Jesy Ali)

Facebook Comments