Ilagan City, Isabela- Ipinaaresto ni hukom Rodolfo Dizon ng Regional Trial Court Branch 18 Ilagan City, Isabela ang dalawang indibidwal na si Carmelito Placido at ang kanyang asawa ng Yeban Sur, Benito Soliven kaugnay sa hindi pagsipot ng mga ito hinggil sa mga pagdinig kaugnay sa usapin na idinulog ng mga ito sa korte Suprema.
Una rito ay humingi ng tulong ang mag-asawa sa Korte Suprema kaugnay sa lumabas na dalawang desisyong lumabas sa kasong iniharap ng mag-asawa laban sa suspek na pumatay sa kanilang anak.
Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay hukom Dizon, ipinatawag umano nito ang mag-asawa upang alamin ang kanilang problema hinggil sa kasong idinulog sa korte Suprema kung saan inatasan ng korte Suprema si Hukom Dizon na tulungan ang mag-asawa hinggil sa problemang idinulog ng mga ito.
Dahil Hindi dumalo sa mga pagdinig na ipinatawag ng korte ang dalawa ay naglabas ng show cause Order ang hukuman at inutusan ang PNP Benito Soliven na arestuhin at dalhin sa korte ang mag-asawa.
Sa isinagawang hearing ngayong araw ay pinagpaliwanag ng hukuman ang mag-asawa upang alamin ang dahilan sa hindi nila pagsipot sa mga naunang pagdinig subalit matapos marinig ni Judge Dizon ang paliwanang ng dalawa ay nagdesisyon rin ito na huwag nang isailalim sa Contempt at agad ding ipinag-utos sa mga kapulisan na palayain na ang mag-asawa sa kanilang Kustodiya.