Mag-BFF na sina Bela Padilla at Dani Barretto, inunfollow ang isa’t-isa sa Instagram

620
Image from IG/@bela and IG/@danibarretto

Totoo nga ba ang bulung-bulungan na tinapos na ng aktres na si Bela Padilla ang kaniyang pakikipagkaibigan kay Dani Barretto?

Ito ang pananaw ngayon ng netizens matapos in-unfollow ng dalawa ang isa’t-isa sa kani-kanilang social media accounts nitong nakaraang linggo.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, matalik na magkaibigan sina Padilla at Barretto.

Sa kasagsagan ng kontrobersiyang kinasasangkutan noon nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto, magugunitang naipit ang pangalan ng Kapamilya star matapos siyang dumalo sa isang dinner kasama ang dating nobya ni Anderson.

Pahayag ni Bela sa programang “Tonight With Boy Abunda”  noong nakaraang buwan, sinusubukan niya umanong “maglie-low sa Instagram” at binabawasan niya rin ang mga taong pina-follow sa official social media accounts.

Sa nasabing panayam, inihayag niyang naniniwala siya na nauunawaan ni Dani at ilang malalapit na kaibigan ang ginawang “social media detox”.

Facebook Comments