Manila, Philippines – Nag-abiso ang Department of Health (DOH) sa mga debotong may karamdaman, buntis, sanggol, maliliit na bata at iba pang senior citizen na doblehin ang pag-iingat sa pakikiisa sa Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong araw.
Payo ni Health Assistant Secretary Lyndon Lee-Suy, magdala ng identification card o papel na naglalaman ng emergency contact numbers at medical history.
Makatutulong aniya ito sa mga health personnel para makapagbigay ng angkop na serbisyong medikal.
Pinayuhan din ng DOH ang mga may maintenance medicine na dalhin ang kanilang mga gamot, lalo na ang may mga chronic asthma at hypertension.
Magdala rin umano ng inuming tubig para maiwasan ang dehydration, magsuot ng kumportableng damit, pangprotekta sa paa, at panlaban sa init o ulan.