Pinayuhan ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) ang publiko na mag-donate muna ng dugo bago magpabakuna laban sa COVID-19.
Ito ang kanilang apela para matiyak na mayroong sapat na supply na dugo.
Sa Facebook post ng NKTI, dapat nilang ikonsidera ang pagdo-donate ng dugo bago magpaturok ng bakuna.
Ang deferral ng isang blood bank donor ay nasa 14 na araw para sa bawat vaccination.
Nabatid na ang Quezon City-based medical institution ay nababahala dahil sa deferral ay posibleng maapektuhan ang supply ng blood donation.
Facebook Comments