Mag-e-expire na driver’s license at car registration, pwede pang gamitin hanggang April 30

Maaring i-renew hanggang April 30, ang mga mag-e-expire na driver’s license at rehistrasyon ng sasakyan.

Inihayag ito ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, base sa sinabi sa kanya ni Transportation Secretary Arthur Tugade na kaniyang tinawagan sa telepono.

Ayon kay Sotto, magbibigay ng deriktiba si Tugade sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang Land Transportation Office (LTO) ukol dito.


Diin ni Sotto, ito ay mainam na konsiderasyon sa mga motorista na hindi naman makakapag-renew ng lisensya at rehistro habang umiiral ang community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19 outbreak.

Facebook Comments