MAG-FOCUS SA TRAINING | Dating 2-time world champ Gerry Peñalosa, may babala kay Manny Pacquiao

Manila, Philippines – May babala si dating two-time boxing world champion na si Gerry Peñalosa kay Manny Pacquiao.

Sakaling matuloy ang laban ni Pacquiao kay Lucas Matthyse, dapat aniyang mag-focus sa training ang Pambansang Kamao dahil delikadong kalaban ang Argentinian boxer.

Nabatid na may 92 percent knockout power si Matthyse hawak ang 39-4 win/loss record kung saan 36 dito ay via knockout.


Kahapon ng kumpirmahin ni Pacquiao na gaganapin ang laban niya sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Hunyo.

Gayunman, may mga detalye pang inaayos ang kanyang kampo para sa posibleng paghaharap nila ng WBO Welterweight Champion.

Facebook Comments