Mag-iinang Vilma Santos-Recto, Luis Manzano at Ryan Recto, tatakbo sa iba’t ibang lokal na posisyon sa Batangas; Vice Gov. Mark Leviste, umatras bilang gubernatorial aspirant

Sabay-sabay na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) sina Vilma Santos-Recto, at mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto, para tumakbo sa magkakaibang posisyon sa Batangas.

Tatakbong gobernador si Vilma Santos na posisyong dati na rin niyang hinawakan mula 2007 hanggang 2016 bago naging kongresista ng lalawigan.

Magiging running mate niya si Luis Manzano.


Habang kakandidato namang kongresista para sa 6th District ng Batangas si Ryan na dating posisyon ng kaniyang ina.

Samantala, umatras sa planong pagtakbo bilang gobernador ng Batangas si incumbent Vice Gov. Mark leviste.

Sa kaniyang post sa social media, sinabi ni Leviste na matapos ang maingat na pagninilay, nagdesisyon siyang magbigay-daan alang-alang sa kaniyang relasyon, katapatan at suporta kay Vilma Santos-Recto.

Kasabay nito, inanunsyo rin niya ang pagtakbo bilang congressman ng ika-tatlong distrito ng lalawigan.

Facebook Comments