Manila, Philippines – Nakatakdang mag isyu ng resolution ngayong araw ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board kaugnay ng desisyon ng Supreme Court na nagpapatigil sa operasyon ng Angkas” bikers o habal-habal.
Welcome para sa ahensya ang TRO dahil wala nang sagabal ngayon sa paghuli sa mga Angkas bikers na unang pinigil ng naging desisyon noon ni Judge Valenzuela Mandaluyong Regional Trial Court Branch 213.
Nagpasalamat ang LTFRB dahil nakita ng mataas na korte ang priyoridad ng kaligtasan at at seguridad ng sa implementasyon ng mga batas.
Nanindigan ang LTFRB na hindi puwedeng irehitro ang mga motorsiklo bilang public.
Maliban sa ipinagbabawal ito sa ilalim ng Republic Act 4136, hindi ito ligtas gamitin ng mga commuters.
Facebook Comments