MAG-IMBAK | Ilang bahagi ng Taguig, mawawalan ng supply ng tubig

Taguig – Walong oras na mawawalan ng supply ng tubig ang ilang lugar sa Taguig City simula alas-10:00 mamayang gabi hanggang alas-6:00 ng umaga kinabukasan (January 17).
Tinatayang aabot sa 11,000 customer ng Manila Water ang apaektado dahil sa improvement works sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Cuasay Road na makakapekto sa suplay ng tubig sa ilang baranggay.
Apektado nito ang Barangay Central Signal, South Signal, bahagi ng Western Bicutan (SS Brigade), at bahagi ng pinagsama (EP Housing Phase I).
Inabisuhan naman ang mga maaapektuhang residente na mag- imbak ng sapat na tubig kung saan sinabi rin ng manila water na isasara ang bahagi ng Cuasay road dahil sa maintenance activity.
Lahat ng sasakyan na magmumula sa C5 ay inaabisuhang tahakin ang Sto. Niño Street.
Sa mga manggagaling naman sa C6 ay inabisuhang kumanan sa 10th street, dirediretso sa Sampaloc Street, tapos kumaliwa sa Molave Street para makarating sa MRT Cuasay.

Facebook Comments