Mag-ina naaksidente sa Bayambang Pangasinan

Bayambang Pangasinan – Tumilapon mula sa sinasakyang motor ang mag-inang sina Mena at anak nitong si Nico Ramos sa Brgy. Alingan, Bayambang Pangasinan kahapon ng alas-kwatro ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya binabagtas umano ng mag-ina ang kahabaan ng national road sa nasabing barangay ng mawalan ng control sa manubela ang anak na nagresulta ng kanilang pagsalpok sa isang tricycle.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok tumilapon ang mga ito. Dineklarang dead on arrival ang 50 anyos na ina dahil sa matinding pagkakabagok ng ulo nito. Samantalang nagpapagaling ang anak nitong sa ospital habang patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.


Facebook Comments