Sumiklab ang isang sunog sa bahagi ng Carmen West, Rosales, Pangasinan, kahapon.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Rosales, bandang alas syete ng umaga umano nang makatanggap sila ng tawag na mayroon umanong nasusunog sa lugar.
Ilang commercial buildings at residential areas ang nadamay sa naturang sunog kung saan nasawi ang mag-ina na hinihinalang natrap sa sunog.
Sa paunang imbestigasyon ng awtoridad, maaaring nagsimula umano ang sunog sa Isang faulty wiring.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad at inaalam na ang danyos sa naganap na sunog.
Sa ngayon habang ginagawa ang balitang ito ay inaalam pa ng awtoridad ang tunay na pinagmulan ng sunog at kabuuang danyos na idinulot ng naturang sunog. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments