Mag-ina, Sugatan Matapos Pagbabarilin ng Riding in Tandem

1341

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan sa Lungsod ng Santiago ang mag-ina makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa imbestigador ng Alicia Police Station, ‘stable’ aniya ang kalagayan nanay na si Jermey Evans, 27 taong gulang, at ang isang (1) taong gulang na anak na si Karmella Austria na kapwa residente ng of Barangay Aurora.

Batay sa kanilang inisyal na pagsisiyasat, habang paalis sa kanilang bahay ang mag-ina at pasakay sa kanilang service na sasakyan nang biglang dumating ang dalawang hindi pa nakikilang suspek na sakay ng motorsiklo.

Dito ay biglang pinagbabaril ng maraming beses ang mag-ina na agad namang naisugod sa isang ospital sa Santiago City.

Kasalukuyan pa ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya kaugnay sa motibo ng nangyaring pamamaril.

Facebook Comments