Mag-inang Trangia, iginiit na hindi sila nagtago sa ibang bansa

Manila, Philippines – Iginiit ng mag-inang Trangia na hindi sila nagtago sa ibang bansa.

Ayon sa abugado ng mag-inang Trangia na si Atty. Rowell Ilagan, handa silang sagutin ang mga kasong isinampa sa kanilang kliyente.

Pinag-iisipan din aniya nila kung tatanggapin ang alok ng DOJ na sumailalim sa Witness Protection Program.


Setyembre 19, nagpunta ang mag-ina sa amerika, isang araw bago ipalabas ng department of justice (doj) ang lookout bulletin para sa mga miyembro ng aegis jvris fraternity na sangkot sa pagkamatay ng hazing victim na si Castillo.

Nahaharap si Ralph sa kasong murder, robbery, at paglabag sa anti-hazing law.

Obstruction of justice naman ang isinampang kaso laban kay Rosemarie.

Bukod sa mag-ina, kinasuhan din ang kanilang padre de pamilya na rehistradong may-ari ng pulang pick-up truck na itinuturong nagdala sa katawan ni Castillo sa ospital.

Facebook Comments