MAG-INGAT! | Bureau of Immigration nagbabala sa mga fixers

Manila, Philippines — Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko na iwasang makipag-transaksyon sa mga “fixer.”

Kabilang sa mga sinabing pag-ingatan ni Immigration
Commissioner Jaime Morente ay ang pakikipag-transaksyon sa travel agents at law offices na hindi accredited ng BI.

Umapela rin si Morente sa publiko na i-report sa kanyang tanggapan ang kahina-hinalang aktibidad ng mga dayuhan na lumalabag sa
immigration laws ng Pilipinas.


Binalaan din ni Morente ang sino mang tauhan ng BI na sangkot sa
irregularidad dahil sila ay mahaharap sa kasong adminiatratibo.

Pinapayuhan naman ng Immigration commissioner ang mga dayuhang turista na iwasang mag-overstay sa Pilipinas upang hindi sila maipa-deport.

Facebook Comments