Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng mga Pilipinong ba-biyahe abroad na mag-ingat sa pagbisita sa mga key tourist destination sa ibang bansa.
Sa inilabas na public advisory ng DFA, partikukar na pinag-iingat ang mga biyaherong Pilipino sa mga petty crime incidents na karaniwang nangyayari tuwing peak tourist seasons.
Upang hindi maabala sa biyahe, mahalaga umanong igalang at sumunod sa mga batas at regulasyon ng ibang bansa.
Dapat din umanong maging alerto sa matataong lugar, tulad ng sikat na tourist spots at iba pang mga pampublikong lugar laban sa mga magnanakaw, mandurukot, snatcher, scammer at iba pang kriminal.
Dapat din umanong maging maingat kung sasakay sa pampublikong transportasyon na madalas puntahan ng mga kriminal.
Paalala naman ng DFA sa mga Pinoy na nawalan o ninakawan ng passport na kaagad na kumuha ng police report at makipag-ugnayan sa malapit na Embahada at Konsulado ng Pilipinas para mabigyan ng ayuda.