Pinapayuhan ng Food and Drug Administration o FDA ang publiko na mag-ingat sa pagkonsumo ng Spam® Classic at Hormel Food Black-Label Luncheon Loaf na galing sa Estados Unidos dahil sa posibleng kontaminasyon.
Kasunod ng reklamo ng mga mamimili sa kumpanya na nakabase sa U.S. na Hormel Food Corporation, may-ari ng brand names na Spam ® Classic at Hormel Food Black-Label Luncheon Loaf, sinimulan nang i-recall o bawiin sa merkado ang mga nasabing produkto dahil sa posibilidad na naglalaman ang mga ito ng mga piraso ng bakal na maaaring maka-pinsala sa mga mamimili.
Ang mga recalled na produkto ay may partikular na impormasyon na matatagpuan sa ilalim ng lata.
Ito ay ang Spam® Classic Luncheon Loaf na may product code na FO20881 hanggang FO20889 at Hormel Food Black-Label Luncheon Loaf na may product code na FO20889 at FO2108.
Kahit na ang mga recalled na produkto ay ipinamamahagi o ibinenta lamang sa main land USA at Guam, pinapayuhan pa rin ang publiko na mag-ingat sa pag konsumo, dahil ang mga nabanggit na produkto ay maaaring sa anumang paraan, ay umabot sa lokal na merkado o nakarating sa pilipinas.
MAG-INGAT | FDA NAGBABALA SA PAGKAIN NG DALAWANG IMPORTED LUNCHEON MEAT
Facebook Comments