MAG-INGAT! | Gobyerno at OFW advocacy groups, binalaan ang publiko sa alok na pekeng trabaho sa Russia

Manila, Philippines – Ipinanawagan ng ilang OFW organizations at kinauukulang ahensya ng gobyerno sa publiko na huwag tanggapin ang anumang alok na trabahong household worker sa Russia.

Isa ang Russia sa mga bansang tulad ng China at Germany na nakikitang alternatibo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga OFW na umalis sa bansang Kuwait.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), walang visa para sa household service workers sa Russia.


Pinabulaanan din ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Soreta ang balitang nangangailangan ng domestic workers sa nabanggit na bansa.

Sinabi naman ni Susan ‘Toots’ Ople ng Blas Ople Policy Center – ang modus ng ilang kawatan, lumibot sa mga probinsya ng Pilipinas upang magpakalat ng maling impormasyon ukol sa mga job openings sa Russia.

Matapos ito ay hihingan ng malaking halaga ng pera para sa pagproseso ng visa at pag-book ng flight nito.

Panawagan ng mga ito na mas paigtingin pa ang imbestigasyon ng pamahalaan sa recruitment agencies na may kanselado nang lisensya.

Facebook Comments