Manila, Philippines – Pinaghahanda ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang 375,000 mga Pilipinong naninirahan sa Hawaii dahil sa bagyong Lane na inaasahang tatama sa isla mamayang gabi.
Ayon sa Philippine Consul sa Honolulu, Hawaii na si General Joselito Jimeno, binabantayan nila ang paggalaw ng category 4 na bagyong ito, dahil inaasahang mag magdadala ito ng malakas na ulan, pagkidlat, pagbaha at mga buhawi.
Aniya, inabisuhan na nila ang Filipino Community na maghanda ng emergency kit na kayang tumagal ng 14 araw at manatiling updated sa mga abiso at anunsyo ng Hawaii State and Federal government.
Aniya, mananatiling bukas ang Consulate General upang pagsilbihan ang Filipino Community at agad aniya silang magaanunsyo kung kakailanganin nilang magsara.
Handang aniya silang tumulong sa pagbibigay ng assistance sa mga maaapektuhan ng hurricane lane.
Una nang naglabas ng emergency proclamation si Hawaii Governor David Ige, upang manatiling alerto ang kanilang mga emergency agency, dahil ang bagyong Lane ang sinasabing pinakadelikadong bagyo na tatama sa kanilang isla sa loob ng 25 taon.