Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services ang tag-init kahapon ika-10 ng Abril 2018 kasabay nito nagbabala ang City Health Office Dagupan sa mga sakit na maaring makuha ngayong tag-init.
Heat Exhaustion , Hypertension , Skin Disease at Asthma ang mga sakit na tumataas angkaso sa tag-init ayon kay Dra. Ophelia T. Rivera ng CHO. Ayon sa kaniya upang hindimadevelop ang heart stroke o heat exhaustion iwasang lumabas ng bahay sa oras ng 10:00 ngumaga hanggang 2:00 ng hapon at ugaliing gumamit ng payong, sumbrero o sun glasses kapaglalabas. Makakatulong din ang pagiging Properly hydrated upang makaiwas sa sakit na maaringmakuha ngayong tag-init kaya payo ng CHO na uminom ng walong baso ng tubig sa isang araw.
Upang maiwasan ang skin disease ayon sa CHO ugaliin ang pagligo araw araw at kung pinagpapwisan gumamit ng malinis na tuwalya upang magpunas ng maiwasan ang impeksyon.
Mapabata o Matanda ay hindi ligtas sa sakit na maaring maukha ngayong tag-init kaya dapatumanong mag-ingat at magpakonsulta.
Ulat nila Mark Francisco/ Jerame Laxamana