MAG-INGAT | Pagtiyak sa kaligtasan ng mga sibilyan kapag nagsasagawa ng anti-drug o anti-criminality operations, paalala ng PNP sa mga tauhan nito

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito na unahing matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan kapag nagsasagawa ng anti-drugs at anti-criminality operations.

Aminado si PNP Chief Director General Oscar Albayalde, hindi lahat ng pulis ay may proper gears tulad ng protective vest at head gear sa pagsasagawa ng kanilang operasyon na minsang nagreresulta ng casualties kapag may nangyaring engkwentro.

Sabi ni Albayalde, plano na nilang humingi ng pondo para sa pagbili ng mga protective gears at dagdag na firearms para mapalakas ang firepower ng PNP.


Paiigtingin din aniya ang kanilang capability enhancement program gaya ng paggamit ng drones para sa surveillance at intelligence operations.

Facebook Comments