MAG-INGAT | POEA, nagbabala sa mga naglipanang websites at social media accounts na ginagamit ng mga illegal recruiter

Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga nais mag-aplay ng overseas employment na iwasan ang mga websites at social media na ginagamit ang ahensya na walang awtorisasyon.

Sa abiso ng POEA, hindi bahagi ng kanilang ng ahensya at operasyon ang mga sumusunod na website:

Jobspoea.com
Poeajobsabroad.org
Poea-jobsabroad.blogspot.com
Poeanursingjobs.info
Poeaworkabroad.net


Maging ang mga Facebook accounts na:

POEA job agency hiring USA
POEA jobs in Dubai
POEA jobs in South Korea

Ayon sa POEA – ginagamit ang mga pekeng websites at social media accounts na makapangloko ang mga illegal recruiters.

Dagdag pa ng POEA, iwasan din ang mga recruitment websites na ginagamit ang ‘POEA’ bilang kanilang pangunahing pangalan.

Ang tanging opisyal lamang na website ng POEA ay: poea.gov.ph.

Facebook Comments