MAG-INVEST | Philippine Red Cross pinayuhan ang mga bagong halal na barangay officials

Manila, Philippines – Umaasa ang Philippine Red Cross na pahahalagahan ng mga bagong talagang opisyal ng barangay ang paghahanda sa mga kalamidad.

Ayon kay Red Cross Secretary General Oscar Palabyab dapat maglaan din ng pondo ang mga barangay sa pagbili ng mga rescue equipment lalo at sila ang itinuturing na first responder.

Sinabi pa nito na marami kasing barangay ang umaasa pa sa mga munisipyo o sa national government yung mga simpleng emergency equipment.


Bukod sa pagbili ng mga rescue equipment pinayuhan din ng PRC ang mga barangay officials na sumalang sa mga seminar at training dahil sa pabago bagong lagay ng panahon kasabay ng mga bagong istratehiya sa pagliligtas sa mga biktima ng kalamidad.

Facebook Comments