Mag-live-in partner at dalawa nilang anak, natagpuang patay sa kanilang bahay sa Binan, Laguna

663

Natagpuang wala nang buhay sa loob mismo ng kanilang bahay ang mag-live-in partner at ang kanilang dalawang menor de edad na anak sa Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna.

Batay sa ulat ng Binan City Police Office, isang Melissa Loza ang nakadiskubre sa mga bangkay.


Ang mga natagpuang patay ay sina Johnny Martinez, 46-anyos na natagpuang nakabitin sa hagdan sa pamamagitan ng nylon strap na puro dugo ang kaniyang leeg at kamay.

Live-in partner nitong kinilalang si Jolly Espinas, 41-anyos at mga anak nilang sina Winston Martinez, pitong taong gulang at Brixton Martinez, isang taong gulang.

Ang mga bata ay natagpuang patay habang may face mask pa sa kanilang mukha.

Nakita rin ng mga pulis sa loob ng bahay ang duguang martilyo na posibleng ginamit sa pagpatay sa dalawang menor de edad at ina ng mga ito.



Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen at isa sa motibong tinitingnan nila ay pinatay ng padre de pamilya ang kaniyang mag-iina bago siya nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti.

Batay kasi sa mga testigo, malimit nilang naririnig na nag-aaway ang mag-live-in partner dahil sa problema sa pera.


Facebook Comments