Mag live-in partner, pinatay sa loob ng bahay

Marikina – Bangkay na ng ilabas sa loob ng kanilang bahay ang mag ka-live partner na pinatay sa sa Bonanza Phase 2 Brgy. Fortune Marikina City kagabi.

Nakilala ang biktima na si Dante Aton 31 at ka-live partner na 3 buwang buntis na si Cherry Manzan.

Ayon sa mga kamag anak umakyat at pumasok sa loob ng bahay ang 3 hanggang sa 4 na armadong lalaki.


4 na putok ng baril ang narinig bago nadiskubreng na pinatay na pala ang kanilang kamag-anak.

Aminado sila na dating adik sa shabu ang biktima pero nagbagong buhay na raw.

Facebook Comments