Timbog ang isang lisensyadong inhinyero sa ikinasang buy bust operation ng awtoridad sa Ilocos Norte.
Nakilala ang lalaki na isang 43 anyos na lalaki at kalive-in nitong 42 anyos na babae.
Nakumpiska mula sa dalawa ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P20,000.
Nakuha rin ang ilang pang non-drug evidence mula sa mga ito.
Nasa kustodiya na ang dalawa ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









