Mag-lola at 10 alagang aso at pusa patay sa sunog sa Caloocan City

Patay ang isang maglola,  habang  siyam ang iniulat na nasugatan nang sumiklab ang sunog sa 2 storey building sa Caloocan City nitong hapon.

Sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang 12:47 ng hapon nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag na bahay sa Marcela St., Brgy. 27, Maypajo, Caloocan City.

Ang biktimang lola ay nasa edad 84 habang 21- anyos naman ang apo nitong babae na isang graduating student.


Ayon kay Epimaco Benito, ama ng estudyante, bago ang sunog ay may nakita silang umusok sa unang palapag ng bahay.

Nang patayin umano nila ang main switch ay bigla na lamang may sumabog at sinundan nang pagliyab ng apoy.

Sinubukan umano ng estudyante na iligtas ang kanyang lola subalit kapwa sila na-suffocate sa sunog.

Maliban sa maglola, nasa 10 mga aso at pusa rin ang sinasabing namatay.

Inaalam pa ng mga arson investigator kung faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na naapula matapos ang dalawang oras.

Facebook Comments