Manila, Philippines – Nagkasundo ang COMELEC, PNP, AFP, DILG at National Youth Commission na paiigtingin ang kanilang monitoring kaugnay sa mga kumakalat na vote buying sa darating na SK at Brgy. Election sa lunes Mayo 14.
Sa ginanap na presscon sa Launching ng COMELEC Command Center sinabi ni DILG Asec. Jonathan Malaya na dapat ang PNP ay impartial sa kanilang gagawin pagbabantay sa mga lugar na walang Election Officer at dapat makipag ugnayan ang PNP na Deputized ng COMELEC sa lahat ng kanilang mga aktibidad.
Paliwanag ni Malaya paiigtingin pa nila ang mga lugar na may nalalamang nagkakaroon ng vote buying at kapag nakumpirma ay dapat agad paiimbestigahan ng PNP upang mabigyan ng kaukulang aksyon.
Sinabi naman ni Asec Ronald Cardema OIC Chairman ng National Youth Commission na nanawagan sila sa mga kumakandidato ng SK Election na tulungan ang mga opisyal ng COMELEC at PNP na maging maayos ang darating na SK at Brgy. election kung saan kinakailangan na sama samang magtulungan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at nang publiko para baguhin ang mga dati ng kagawian upang magkaroon ng maayos at malinis na halalan.
Mayroong anila silang namonitor na may mga pulitiko na naghihikayat na magwiwithdraw ang kanilang mga katunggali kung saan ay pinag aaralan n ng PNP ang naturang pangyayari pero hindi tinukoy kung saang Region dahil bina-validate pa nila kung sino ang nasabing Gobernador at Congressman na nanghihikayat na magwithdraw na ang kanilang kalaban.
Bina-validate din ng PNP ang data na mayroong 29 Election Related Violence na nangyayari kung saan tinukoy nila na itoy isang shooting incident sa ARMM at Region 8.
Panawagan ng COMELEC sa SK at Brgy election dapat alam na ng mga botante kung saan ang kanilang mga precint number at sequence number upang hindi na maaantala ang kanilang pagboto kung saan alas-7 ng umaga ay bukas na ang presinto at magsasara eksaktong alas 3 ng hapon pero kung nasa 30 meters radius pa ang botante maaari siyang makaboto.
Dagdag pa ng COMELEC na Manual election ang gagawin sa Lunes kaya dapat mag ingat ang mga botante dahil dalawang balota ang ibibigay sa mga boboto sa SK at Brgy opisyal kaya dapat mag ingat dahil hindi mabibilang kung napupunta sa SK ang iboboto na para sa Brgy opisyal.
Bawal din picturan ang balota pero pwede namang magdala ng cellphone sa loob ng presinto.