Mag-nobyo, arestado matapos mahulihan ng mga tanim na marijuana

Manila, Philippines – Arestado ang mag-nobyong college students matapos mahulihan ng mga tanim na marijuana sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto.

Kinilala ang mga suspek na sina Joshua Gregorio ng Laguna State Polytechnic University at Dulce Carcosia ng U.P. Los Baños.

Anim na paso ng marijuana ang narekober sa kanilang kuwarto kung saan dalawa ay bagong tanim pa.


Nakuha rin sa mga suspek ang dalawamput tatlong buto ng marijuana, mga pinatuyong dahon, timbangan at glass pipe.
Inaalam pa ng pulisya kung kanino nila kinukuha ang mga marijuana.

Facebook Comments