MAG-RESEARCH | Media, dapat pairalin ang kunsensiya sa paghahatid ng balita – Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamahayag na gamitin din ang konsensiya sa paghahatid ng balita.

Ito ang sininabi ni Pangulong Duterte matapos ang mga banat sa kanya ng Inquirer at Rappler.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay gumawa muna ng malalimang research ang mga mamamahayag bago magsulat o gumawa ng anumang balita o akusasyon.


Partikular na pinupunto ni Pangulong Duterte ang balita na lumabas kung saan sinasabi na nakikialam umano si Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa transaksyon ng Department of National Defense kaugnay sa pagkuha nito ng Computer System para sa mga barko ng Philippine Navy.

Binigyang diin ng Pangulo na dapat ay isipin munang mabuti ng media ang pamilya ng mga opisyal ng pamahalaan bago akusahan ang mga ito lalo na kung wala namang basehan at katotohanan ang mga ibinibintang sa mga ito.

Facebook Comments