MAG-RESIGN NA LANG | CJ Sereno, hinimok na gawin na ang "supreme sacrifice"

Manila, Philippines – Hinimok ng mga miyembro ng House Committee on Justice si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na gawin na ang supreme sacrifice na pagbibitiw sa pwesto.

Ayon kina Ako Bicol Representative Rodel Batocabe at ACTS-OFW Rep. John Bertiz, para hindi na magkawatak-watak ang Korte Suprema ay gawin na nito ang “supreme sacrifice” na pagre-resign sa pwesto.

Giit ni Batocabe, hindi lamang Korte Suprema kundi pati ang Kongreso ay damay dito dahil posibleng mauwi sa constitutional crisis ang inihaing Quo Warranto petition laban sa Chief Justice.


Posibleng hindi kilalanin ng Kongreso ang desisyon ng Korte Suprema kung sakaling irekomenda ang pagpapaalis kay Sereno sa pwesto.

Inulit ng kongresista na tanging ang Senado at Kamara ang may “power to impeach” kay Sereno.

Samantala, hindi naman inirerekomenda ni Anak Mindanao Rep. Makmod Mending ang pagbibitiw ni Sereno.

Giit nito, dapat na harapin ni Sereno ang kaso at sagutin ang lahat ng alegasyong ibinabato laban sa kanya.

Facebook Comments