Manila, Philippines – Matapang na hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Ombudsman Conchita Carpio Morales at Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na sabayan siya sa pagbibitiw sa puwesto.
Sa kanyang pagsasalita sa installation ng panibagong Integrated Bar of the Philippines Officers sa Davao City, muling binigyang diin ni Pangulong Duterte ang selective justice laban kay Morales.
Sabi pa ng pangulo, mas dapat unahin ni morales ang mga kasong inihain sa Office of the Ombudsman, ilang taon na ang nakakalipas kaysa pagtuunan ng pansin ang kasong inihain ni Sen. Antonio Trillanes IV Laban sa kanya.
Bukod dito, inakusahan din ng pangulo sina Carpio at Sereno na pumayag na magamit sa alegasyong korapsyon laban sa kanya.
Iginiit din ni Pangulong Duterte na peke o fabricated / falsified ang sinasabing bilyun-bilyong pisong bank account niya.
Muli ring tiniyak ng punong ehekutibo na nakahanda siyang buksan ang kanyang bank account para patunayang mali ang mga akusasyon laban sa kanya.